LYRIC

Misteryo

Di na mahanap ang kasagutan natutuliro ang isip
Binabagabag ng katanungan ng mapagbirong pag-ibig
May ibig sabihin ba kung parang kayo
Pero wala lang ano bang kaugnayan
Sino bang di mahihirapan
Pag-ibig na kay alap, wala kang katiyakanTeka muna, para bang akdang baybayin
Teka muna, na di ko magawang basahinNaririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man ‘to ay umaasa ang puso
Ito’y palaisipang misteryoSino bang dapat sisihin
Marahil mali rin na mahulog
Sino bang may sabing isipin kita
Sa paggising hanggang pagtulog
Di ko batid kung kasalanang bigyang kahulugan
Ang tamis na naranasan
Kaya ngayon ay nangangapa lang
Kung may mapapala o hanggang dito na lamang

Teka muna, para bang akdang baybayin
Teka muna, na di ko magawang basahin

Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man ‘to ay umaasa ang puso
Ito’y palaisipang misteryo

Parang talinhagang hindi ko mabatid
Para bang hiwagang kagitlahanan ang hatid
Kahit na pilitin ko
Gulung-gulo ang isip ko
Ito’y palaisipang misteryo

Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man ‘to ay umaasa ang puso
Ito’y palaisipang misteryo

Pag-ibig ay sadyang
May nakakabit daw
Na palaisipang misteryo

Isang misteryo

Added by

irving

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT

VIDEO