LYRIC

Ngayon

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo’y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tam’at mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka’t magpunyagi
Maging aral bawat maliNgayon bago it ay maging kahapon (kahapon)
Ang pagkakataon sana’y huwag itapon (ooh)
Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika’y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay (laging) sulit lang
Kayganda ng buhay ngayon

Sa buhay mong hiram (sa buhay mo)
Mahigpit man ang kapit (kapit)
May bukas na sa yo’y di na rin sasapit (ooh)
Ngunit kung bawat ngayo’y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas, di sumapit pa
Ang naabot mo’y langit na

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay (laging) sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo’y matibay
Dahil ang sandiga’y ngayon (ahh)

Added by

irving

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT

VIDEO