LYRIC

Panghabang Panahon

Hindi ko na namalayan
ang paglipas ng panahon
parang kailan lang
ang lumipas na panahon

Tandang-tanda ko pa
mga oras na kay saya
mga sandaling ika’y aking kasama

Kay sarap alalahanin
ng lahat ng pagkakataon
ala-alang nagpapaligaya sa akin ngayon
kung maibabalik ko lang
ang kamay ng orasan
pangarap ko na ang bawat sandali ay
panghabang panahon

Tandang-tanda ko pa
mga oras na kay saya
mga sandaling ika’y aking kasama

Inaamin ng puso ko
ang panghihinayang
na sana ay nasabi ko
kung gaano kita kamahal

Kay sarap alalahanin
ng lahat ng pagkakataon
ala-alang nagpapaligaya sa akin ngayon
kung maibabalik ko lang
ang kamay ng orasan
pangarap ko na ang bawat sandali ay
panghabang panahon

Pangarap ko na ang bawat sandali ay
panghabang panahon…

 

Added by

irving

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT

VIDEO