LYRIC

Saan Darating Ang Umaga

Bakit ba pinagtagpo
Pala’y maglalayo
Tayo sa ating buhay

Ang araw na kay ganda
Ba’t nang lumisan ka
Ay nagdilim ang kulay
Ang umaga’y nagtampo
Ano’t kasama mo
Luha ang tanging iwan

Kung sya may magbabalik
Ako’y nananabik
Kung kailan at saan
Darating ba syang kasama ka?

Masasalubong man lang ba kita?
Subalit ako’y nag-alala
Kung ako’y mahal mo pa
Kahit pa anong hadlang
Mananatili kang mahal sa aking tunay

May umaga man pala
Kung di ka niya dala
Ito’y walang buhay
Darating ba syang kasama ka?

Masasalubong man lang ba kita?
Subalit ako’y nag-alala
Kung ako’y mahal mo pa
Kahit pa anong hadlang
Mananatili kang mahal sa aking tunay
May umaga man pala
Kung di ka niya dala
Ito’y walang buhay

Added by

irving

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT

VIDEO