LYRIC

 

Puso ko’y inuulan
Hirap makita ang daanUmaapaw sa tulay ang baha sa kada away
Lampas guhit na ang tubig
Lumalangoy na tayo
Pero ‘di ba…Sabi mo sa akin
Kapit ka lang sa’kin
Sabi mo sa akin
Kapit ka malalim
Sabi mo humawak ka sa atin
Sabi mo sa akin
Bigyan ng pagkakataon

Ang pag-ibig na sinusubok ng panahon
Lumilipas ang bagyo at nagiging ambon
Ambon…

Inaanod ng buhay
Humahampasan na’t ngalay
Naghalo nang luha’t tubig
Pero yakap ka pa rin
Kasi ‘di ba…

Sabi mo sa akin
Kapit ka lang sa’kin
Sabi mo sa akin
Kapit ka malalim
Sabi mo humawak ka sa atin
Sabi mo sa akin
Kaya lang ‘wag kang bumitaw

Naglalaban ang katwiran at panghihinayang
Hanggang sa’n ba ang hangganan
‘Pag nahihirapan…

Sabi mo sa akin
Sabi mo sa akin

Puso ko’y inuulan
Hirap makita ang daan

Sabi mo sa akin
Kapit ka lang sa’kin
Sabi mo sa akin
Kapit ka malalim
Sabi mo humawak ka sa atin
Sabi mo sa akin
‘Wag na ‘wag na ‘wag bibitaw
Bumitaw…

Inaanod man ng luha
At ng ulan
Nadudurog man ang puso
Pangako ko’y nand’yan, nand’yan, nand’yan

Sabi mo sa akin
Kapit ka lang sa’kin
Sabi mo sa akin
Kapit ka malalim
Sabi mo humawak ka sa atin
Sabi mo sa akin
Kaya pa ‘wag kang bumitaw
Bumitaw…

Umaapaw sa tulay ang baha sa kada away

Added by

irving

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT